Sinimulan na ng Korte Suprema ang pagdinig sa oral arguments sapetisyon ni Senador Leila de Lima laban sa pagpapaaresto sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong illegal drug trading.
Muling iginiit ng abogado ni de Lima na si dating Solicitor General Florin Hilbay na walang jurisdiction sa kaso ang DOJ at Muntinlupa RTC.
Ayon kay Hilbay ang Ombudsman at Sandiganbayan ang may jurisdiction sa kaso dahil nangyari ang alegasyon kay de Lima noong siya pa ang justice secretary.
Dapat aniyang ipinaubaya ng DOJ sa Ombudsman ang imbestigasyon dito.
Pinuna rin ni Hilbay ang magkaibang posisyon ng DOJ at Office of the Solicitor General sa nature ng kaso laban sa senadora.
Illegal drug trading ang demandang isinampa ng DOJ sa Muntinlupa RTC ngunit sa kanilang comment sa petisyon ni de Lima, sinabi ng OSG na conspiracy to commit trading of illegal drugs ang kaso nito.
Ayon kay hilbay, paglabag ito sa karapatan ni de Lima sa ilalim ngkonstitusyon na ma-ipagtanggol ang sarili dahil paano niya irtomagagawa kung hindi malinaw ang kaso laban sa kanya.
Sapat ito ayon sa abogado upang i-dismiss ang kaso laban sa senadora.
Sa kabila nito, tiwala si Solicitor General Jose Calida na malakas ang kaso laban kay de Lima.
Natanong naman ng mga mahistrado si hilbay sa pagiging premature ng petisyon ni de Lima at sa posibleng paglabag sa panuntunan laban sa forum shopping.
Ito ay dahil naghain ng petisyon sa SC sa de Lima kahit nakabinbin pa ang kanyang mosyon sa RTC at isa pang petisyon sa Court of Appeals.
Itutuloy ng Korte Suprema ang oral arguments sa susunod na Martes.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: arrest order, Muntinlupa RTC, oral arguments, SC