Petisyon ni De Lima, dapat i-dismiss dahil sa umano’y palsipikadong notaryo – SolGen

by Radyo La Verdad | March 28, 2017 (Tuesday) | 1789


Muling iginiit ni Solicitor General Jose Calida na palsipikado ang notaryo sa petisyon ni Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Calida, sapat ang depektong ito upang ibasura ng Korte Suprema ang petisyon.

Dapat din aniyang patawan ng indirect contempt of court at falsification si de Lima at ang notary public na pumirma sa kanyang petisyon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng oral arguments ang Korte Suprema sa hiling ng senadora na ibale-wala ang arrest warrant sa kanya.

Ipinaaresto ng Muntinlupa Regional Trial Court si de Lima noong February 24 dahil sa kasong illegal drug trading.

Tags: , ,