Petisyon ng Meralco para sa mas mababang singil sa kuryente ngayong taon, nakabinbin pa rin

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1459

Meralco
Hinihintay pa rin ng Meralco ang desisyon ng Energy Regulatory Commission sa kanilang kahilingan na maibaba ang singil sa kuryente ngayong taon.

Kung maaprubahan ito ng Energy regulatory Commission, aabot sa 10.4% ang maibabawas sa interim rate adjustment sa kasalukuyang sinisingil ng Meralco sa mga electric bill ng consumer.

Para sa mga komukonsumo ng 20W kada buwan, mababawasan ng P52 ang kanilang bayarin, P89 naman sa mga komukonsumo ng 300W, P134 sa mga komukonsumo ng 400W at P201 sa mga komukonsumo ng 500W.

Taon- taon itong ginagawa ng Meralco bilang bahagi ng kanilang performance- based regulation. (Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)