Petisyon laban sa Train Law, ihahain ng Makabayan sa Korte Suprema ngayong linggo

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 2473

Invalid ratification sa Kamara, isa ito sa dahilan kaya’t hihilingin ng Makabayan bloc ng Karama sa Korte Suprema na ipatigil ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Bukod dito, kukuwestiyunin rin ng grupo ang anila’y lobbying na nangyari sa pagpapasa ng nasabing batas. Ngayon linggo, nakatakdang ihain ng grupo sa Supreme Court ang kanilang petisyon. Ipinagtataka rin ng grupo ang hindi pagpapataw ng dagdag tax sa beer na kabilang sa mga inuming may banta sa kalusugan.

Sa akinse ng Enero epektibo na ang pagtaas ng presyo ng produktong petroyo dahil sa TRAIN Law, dahil dito humiling na rin ng dagdag-pasahe ang taxi, jeep at Grab.

Maaari pa itong sundan ng pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing produkto, ito ang mga bagay na nais mapigilan ng grupo.

Hinamon naman ni House Deputy Speaker Fredenil Castro ang iba pang grupong direktang apektado ng TRAIN Law na naghain rin ng kaso sa Korte Suprema.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,