Inatasan ng Supreme Court ang Commission on Elections na sagutin ang petisyong kumukwestyon sa bilang ng pwestong ibinigay nila sa mga nanalong partylist sa nakaraang halalan.
Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema sa COMELEC upang magsumite ng comment sa petisyon ng labing isang nanalong partylist groups na kinabibilangan ng An Waray, Cibac, Magdalo at Manila Teachers at iba pa.
Hinihiling ng mga petitioner na baguhin ang umano’y hindi makatwirang alokasyon o seat distribution sa mga partylist groups para sa 17th Congress.
(UNTV RADIO)
Tags: COMELEC, partylist seats