Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyanteng si Peter Lim na sumailalim sa imbestigasyon ng NBI nang makipagkita ito sa kanya noong Sabado.
Nais umano ng negosyante na linisin ang kanyang pangalan matapos ihayag ng pangulo na isang Peter Lim ang isa sa mga big-time drug lords sa bansa.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, dapat mapatunayan ni Lim na hindi siya ang drug lord na tinutukoy ng pangulo.
Hindi pangungunahan ng DOJ ang gagawing imbestigasyon ng NBI.
Ngunit ayon kay Aguirre, kapag natiyak na ito na nga ang drug lord, dapat itong sampahan ng kaukulang reklamo.
Nakipagpulong naman si NBI Director Dante Gierran kay Aguirre kaninang tanghali.
Walang binanggit na detalye ang opisyal ngunit sinabi nitong magtutungo si Lim sa NBI ngayong darating na Huwebes.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: DOJ, hindi siya drug lord, Peter Lim