Nagdeklara ang mga opisyal sa Peru ng Zika health emergency sa hilagang bahagi ng kanilang bansa matapos kumpirmahin na umabot na sa 102 katao na ang infected ng nasabing virus.
Kabilang sa mga na-detect na nagkaroon ng virus ay ang 34 na buntis.
Kasabay ng pag-anunsyo ng 90 araw na state of emergency ay ang patuloy ang pagkilos ng health ministry at ng mga otoridad upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok.