Persons with disabilities, sakop na rin ng 20 fare discount sa mga PUV

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 1907

Bibigyan na rin ng twenty percent discount sa pamasahe sa lahat ng pambpulikong sasakyan  ang may kapansanan o persons with disablities.

Ayon sa Department of Transportation, saklaw na rin ng fare discount ang mga PWD matapos aprubahan ang isang memorandum order na nag-uutos sa mga operator at driver na ipatupad ang diskwento.

Kinakailangan lamang na iprisinta ng mga ito sa mga driver ng PUV ang kanilang identification card mula sa National Council on the Welfare of Disabled Person.

Ang sinomang driver o operator na lalabag dito ay papatawan ng multang 5-libong pisong para sa unang offense, 10,000 pesos at 6 na buwang suspensyon ng prangkisa.

Kanselasyon naman ng prangkisa ang ipapataw sa ikatlong paglabag.

 

 

 

Tags: , ,