Napuno ng tugtugan, kasiyahan, at kainan ang pangkaraniwang tahimik lamang na Antipolo City Jail kahapon. Ito ay dahil sa handog na birthday celebration para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o bilanggo na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Oktubre.
Inorganisa ito ng ilang pribadong indibidwal at pamunuan ng city jail bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng National Correctional Conciousness Week.
Bukod sa salo-salo, inaliw din ang mga PDL sa mga palaro at ventriloquist show.
Ayon sa warden ng Antipolo City Jail na si Superintendent Mirasol Vitor, buwanan itong ginagawa upang magkaroon ng pagkakataon ang mga PDL na makapagcelebrate ng birthday, lalo na yung mga walang dalaw.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga PDLs sa kaligayahang naidulot sa kanila ng pagtitipon.
Bukod sa birthday celebration ay nagsagawa din ng best dorm contest kung saan inayos at pinaganda ng mga PDL ang kanilang mga kwarto.
( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )
Tags: Antipolo City Jail, birthday party, PDL