METRO MANILA – Pansamantalang sinususpinde ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Permit to Carry Firearms outside of residence sa ilang mga rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan sa 30th South East ASEAN (SEA) Games.
Ayon kay PNP Office In Charge Lieutenant General Archie Gamboa ipagbabawal mula ang pagdadala ng baril sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at La Union. Ito ay epektibo mula November 20 hanggang December 14 ng taong ito.
(Grace Casin | UNTV News)
METRO MANILA – Higit sa 3 beses ang kabuuang medalya na hinakot ng Team Philippines ngayong 2019 South East Asian (SEA) Games kung ikukumpara sa nakaraang SEA Games.
Sa final medal tally , nanguna ang Pilipinas na nakakuha ng 149 golds,117 silver at 121 bronze medals o 387 na kabuang medalya.
Higit na marami ito sa nakuhang medalya ng Pilipinas sa 29th Sea Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017 kung saan pang-6 na pwesto lamang ang Pilipinas na mayroong 24 golds 33 silver at 64 bronze o kabuuang 121 medals.
Nahigitan rin ng Philippine Contingent ngayong taon ang record ng bansa noong 2005 kung saan nakakuha tayo ng 113 golds, 84 silvers at 94 bronze sa 23rd SEA Games.
Sakauna unahang pagkakataon sa SEA Games, nakuha naman ng Pilippines Womens Basketball ang gold medal matapos payukurin ang Thailand sa score na 91-71.
Nakapagtala rin ng kasaysayan ang Philippine Mens Volleyball Team matapos makuha ang silver medal. Huli itong nakamit ng Pilipinas sa SEA Games apatnapu’t 2 taon na ang nakaraan.
Pinakamaraming hinakot na gintong medalya ang mga pambato ng Pilipinas sa arnis na may 14 gold medals, sunod ang athletics na mayroong 11 golds at dance sports na may 10 golds.
Record breaking naman ang naitala ng pole vaulter na si Natalie Uy na nagwagi ng gold medal matapos malagpasan ang 4.5 meter bar. Gayundin si Kristina Knott na naitala ang bagong record sa 200 meter dash na 23.01 seconds.
Nakapagtala rin ng record ang pinoy pole vaulter na si EJ Obiena matapos malagpasan ang 5.45 meter bar. Nagsilbi namang inspirasyon ang 15-anyos na ovarian cancer survivor na si Daniela Dela Pisa na nagwagi ng gintong medalya sa rhythmic gymnastics hoops category.
At ang Pinoy surfer na si Roger Casugay na mas piniling iligtas ang isang Indonesian surfer na naanod ng malakas naalon kaysa magwagi ng medalya.
(Bernard Dadis | UNTV News)
Tags: 2019 Sea Games hosting
METRO MANILA – Kinilala ng Sports Industry Award (SPIA) Asia ang Pilipinas bilang Best South East Asian (SEA) Games Organizer.
Ayon sa SPIA Asia, ang 30th SEA Games na inorganisa ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) ay may mas maraming sporting events kumpara sa mga nakalipas na SEA Games.
Sa kabila nito naging maayos ang pagsasagawa ng palaro sa bansa at nangunguna pa sa medal tally ang Pilipinas.
Maging si Wei Jizhong, Vice President Ng Olympic Council of Asia ay bumilib din sa kapasidad ng Pilipinas sa pag host ng SEA Games.
Samantala, itinuloy na kahapon (Dec 4) ang mga na-postpone na sporting events ng SEA Games dahil sa pananalasa ng Bagyong Tisoy. Kabilang na dito ang Beach Volleyball, Pencak Silat, Muay, Skateboarding at iba pa.
Samantala, nangunguna pa rin ang pilipinas sa medal tally sa SEA Games na may 56 golds, 41 silvers at 22 bronze. Pangalawa pa rin ang Vietnam na may 27 golds, 32 silvers at 33 bronze. Habang nananatili pa rin sa 3rd spot ang Malaysia na may 21 golds, 12 silvers at 33 bronze medals.
(Vincent Arboleda | UNTV News
Tags: 2019 Sea Games hosting
METRO MANILA – Matapos makakuha ng 22 golds, 12 silvers at 9 bronze, agad na nanguna ang mga atletang Pinoy sa unang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa medal tally.
Unang nakakuha ng gintong medalya si si John Leerams Chicano matapos manalo sa Men’s Triathlon.
Habang silver medalist naman ang kapartner nito na si Andrew Kim Remolino.
Gold medal rin ang nakuha ni Agatha Wong matapos makakuha ng score na 9.67 sa Aolu Taijiquan event ng Wushu.
Nakuha naman ni Marion Kim Mangrobang ang isa pang gold medal at silver naman para kay Kimberly Kilgroe para sa women’s individual triathlon event.
Habang sampung gintong medalya naman ang nakuha ng Pilipinas sa Dancesports.
Pumapangalawa naman ang sa medal tally ang Vietnam na may 10 golds, 13 silvers at 9 bronze habang pangatlo ang Thailand na may 5 golds, 4 silvers at 10 bronze.
(Vincent Arboleda | UNTV News)