Permit para makapag operate igagawad sa 3rd Telco Ngayong araw

by Erika Endraca | July 8, 2019 (Monday) | 6065

MANILA, Philippines – Ipagkakaloob na ngayong araw (July 8) sa mislatel consortium ang kanilang Certificate Of Public Convenience And Necessity (CPCN).

Ito ang magbibigay ng karapatan sa mislatel upang makapag operate at makakuha na ng kanilang mga unang subscriber. Ibibigay ng Department of Information and Communications and Technology (DICT) ang mga frequency bands na 700 megahertz, 2100 mhz, 2000 mhz, 2.5 giga hertz, 3.3 ghz at 3.5 ghz

Nobyembre pa noong nakaraang taon nahirang bilang third major player ang mislatel kung kayat naging abala na ito ng ilang buwan sa pagtatayo ng mga cell sites

“Pwede na siyang mag install ng network pwede na siya kung kaya niyang mag provide ng service he can start na mag provide ng service” ani  Deputy Commissioner  Engr. Edgardo Cabarrios

Ipinangako ng mislatel ang nationwide coverage na 84.10% at minimum internet speed na 55 megabits per second at capital at operational expenditure na 27 billion pesos

Matapos maigawad ang permit to operate, babantayan ng dict ang performance ng mislatel upang maseguro na tutuparin nito ang ipinangakong serbisyo. Kung hindi ito magagawa ay mapipilitan ang dict na humanap ng kapalit ng mislatel

Matatandaang na diskwalipika ang sear telecom ni former Governor Luis Chavit Singson at local telco na pt&t dahil hindi nito naibigay ang hinihinging mga requirement ng dict. Ang mislatel consortium ay binibuo ng kumpanya ng negosyanteng si Dennis Uy ng udenna corporation, chelsea logistics corporation, china telecommunication at mindanao islamic telephone company.

(Mon Jocson | Untv  News)

Tags: ,