Permanenteng tirahan para sa Yolanda Victims, tatapusin na bago matapos ang taon

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 4576

PABAHAY
Tatapusin ng National Housing Authority ang 74 na libong Housing Units para Yolanda Victims bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay NHA General Manager Atty. Chito Cruz, ang bawat unit ay may sukat na 24 by 28 square meters na itatayo sa 40 square meter na lote.

Maaaring lagyan ang bawat bahay ng second floor upang maging maluwag ang mga titira dito.

Nagkakahalaga naman ang bawat unit ng ng 290 thousand at typhoon resilient na kayang mapaglabanan ang hangin na may lakas na 250 km per hour.

Ang mga pabahay na ito ay libre sa unang limang taon.

Pagkatapos ng limang taon, saka huhulungan ng 200 pesos buwan-buwan.

Tags: