Permanent Court of Arbitration, pinakamatandang intergovernmental organization sa mundo

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 3359
(photo credit: gov.ph)
(photo credit: gov.ph)

Ang kaso ng Pilipinas laban sa China ay nagbigay pansin sa Permanent Court of Arbitration o PCA sa The Hague.

Naitatag noong 1899, ito ang pinakamatandang inter-governmental organization sa mundo.

Tumatayo itong tagapamagitan o arbiter ng mga bansang may hidwaan.

Umaabot na sa 70 kaso ang nadesisyunan nito at sa kasalukuyan ay may hinahawakang 116 kaso.

Sa halip na mga hukom, nagtatalaga ang PCA ng isang tribunal na may isa hanggang limang miembro, depende sa pangangailangan ng kaso.

Hindi obligado ang mga bansang sundin ang desisyon ng tribunal.

Subalit ang pagbalewala sa desisyon nito ay malaking implikasyon sa kredibilidad ng bansang ayaw tumanggap at maituturing na siyang talo sa kaso sa “Court of World Opinion.”

(UNTV RADIO)

Tags: