Muling magsasagawa ng People’s Day ang UNTV Action Center sa araw ng bukas, ika-27 ng Marso, 2015 sa Brgy. Pitogo Covered Court, Makati City.
Pangunahin pa rin sa mga libreng serbisyo na ipagkakaloob sa araw na iyon ang medical, dental and optical consultation, legal consultation, masahe at gupit para sa ating mga kababayan na lalaki.
Ang UNTV Action Center People’s Day ay isasagawa sa pangunguna pa rin ng Kamanggagawa Foundation Incorporated, 1st Civil Military Operation Company, CMOBN-NCR, i-Learn, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Army General Hospital, 1354 Dental Clinic ASCOM PA, V-Luna Hospital, UNTV News and Rescue, Photoville International at CIA Group of Chefs thru Chef Leila Barbeito.
Magsisimula ang registration ng 6:00am hanggang 10:00am.
Tags: advocacy, free services, public service, UNTV Action Center
KAWIT, CAVITE – Matagumpay na naisakatuparan ng Serbisyong Bayanihan sa Cavite ang pagbibigay ng serbisyo publiko katuwang ang Members Church of God International (MCGI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinagkaloob ng programa ang libreng adult at pedia check-up, mayroon ding dental at optical check-up, haircut, reflex massage, legal services at chiropractic sessions.
Nagsagawa din ng registration para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang DSWD habang libreng pagpapakain at libreng groceries naman ang hatid ng MCGI para sa ating mga kababayan sa Cavite.
Sa kabuuan, umabot sa 5,500 ang napaglingkuran ng programa sa awa at tulong Dios.
(Eliza Fernandez | La Verdad Correspondent)
Ikinakasa na ng UNTV Action Center ang ika-14 na People’s Day sa March 27, 2015, araw ng Biyernes sa Barangay Pitogo, Makati City
Magsisimula ang registration mula 6:00am hangang 10:00am. Idaraos ang People’s day sa Bgy. Pitogo Covered Court.
Ilan sa mga serbisyo na ipagkakaloob sa People’s Day ay ang libreng serbisyong medical, optical, dental, legal, gupit, at masahe.
Tags: Makati Cty, People's Day, UNTV, UNTV Action Center