Tanging ang walang mandato ang mapapatalsik ng taumbayan sa pwesto kaya hindi uubra ang usapin ng People Power laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hinalal ito ng taumbayan at anim na milyon ang lamang nito sa kaniyang katunggali sa eleksyon.
Kaya ang mensahe ng Malacañang sa mga ouster plotters- “dream on”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang duda aniya na may binubuong plano ang mga makakaliwang grupo at maging ng mga miyembro ng oposisyon para mapaalis sa pwesto ang Pangulo.
Aniya, patunay nito ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na suportado pa rin ng walo sa bawat 10 Pilipino ang anti-drug war ng pamahalaan sa kabila ng pagtuligsa rito ng mga International Human Rights Organizations at ibang international bodies.
Samantala, sinuportahan naman ng PNP ang pagbubunyag ng AFP kung saan nakamonitor na rin ito sa tinaguriang Red October movement ng makakaliwang grupo.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Malacañang, Pangulong Duterte, People Power