Ganito kung ilarawan ng ilang manonood ang kanilang naramdaman sa panonood ng Isang Araw, Ikatlong Yugto na pinagbibidahan ni Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon.
Anoman ang estado o kalagayan sa buhay, bawat eksena ay tiyak na may kurot, may haplos sa puso dahil sa tema nito na sumasalamin sa halos lahat ng aspeto ng buhay.
At bilang mga Overseas Filipino Workers, malaki ang naiwang inspirasyon ng pelikula sa mga nakapanuod nito. Dagdag na sigla din ang hatid sa kanila na personal na makita at makausap si Kuya Daniel.
Umaasa ang ating mga kababayan sa Taiwan na sa hinaharap ay muli nilang makakadaupangpalad si Kuya Daniel. Ngayon pa lang ay excited na silang mapanood ang susunod na yugto ng kaniyang pelikula.
Bukod sa magagandang mensahe ng pag-asa sa mga kababayan nating napalayo sa kani-kanilang pamilya, nagpahayag rin ng pasasalamat si Kuya Daniel kasabay ang paanyaya para sa muling pagkikita.
( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )
Tags: Ikatlong Yugto, Isang Araw, Kuya Daniel Razon, Taiwan