METRO MANILA – Isang panibagong modus ng pekeng mensahe ang kumakalat ngayon.
Mula sa pangkaraniwang text messages ngayon ay ipinapadala na ito sa pamamagitan ng mga online messaging apps.
Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos, sa nasabing scam ay kasalukuyang nagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng viber at facebook messenger.
Sinasabi sa scam message na kinakailangang i-verify ng user ang kanilang mga GCash account at humihingi rin ng kanilang mga personal details.
Samantala, naglabas ng babala sa publiko na iwasan ang pag-click sa mga link na kahina-hinalang nagpapadala ng mga mensahe.
Para sa mga biktima ng naturang scam, maaaring kayong makipag-ugnayan sa hotline ng inter agency respone center o tumawag sa numerong 1326.