Bomb threats sa mga tanggapan ng gobyerno, hoax lamang – CICC

by Radyo La Verdad | February 14, 2024 (Wednesday) | 1236

METRO MANILA – Nadamay ang 6 na ahensiya ng pamahalaan sa mga bomb threat noong Lunes (February 12), ayon sa ulat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Gayunman, tahasang pinapangako ng ahensya sa publiko na hindi dapat mabahala sa mga bantang ito, dahil ang nagpadala at ang email address ay tinukoy bilang hindi totoo.

Napag-alaman na ang domain name ng mga bomb threat email ay naka-rehistro sa Japan.

Nakikipag-ugnayan na ang awtoridad sa pamahalaan ng Japan sa pagsisiyasat sa bagay na ito at malaman ang pagkakakilanlan ng nagpadala.

Tags: ,