Pekeng DepEd scholarship kumakalat online; publiko pinag-iingat kaugnay nito

by Radyo La Verdad | April 23, 2024 (Tuesday) | 3661

METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa mga pekeng scholarship na iniaalok umano ng ahensya lalo na sa mga kumakalat online.

Base sa pahayag ng DepEd, iligal na ginagamit ng mga ito ang DepEd seal at ang larawan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Target ng mga kumakalat online na pekeng post tungkol sa scholarship ang mga magulang at mag-aaral.

Kaya nagpaalala ang ahensya na huwag bastang magbibigay ng anomang impormasyon tungkol sa mga mag-aaral.

Ugaliin din i-check ang mga verified account ng DepEd sa Facebook, X, Instagram at kanilang opisyal na website, para sa official announcements at impormasyong inilabas ng kagawaran.

Hinikayat din ng DepEd ang lahat ng kinauukulan na iulat ang anomang kahina-hinalang impormasyon tungkol sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.

Tags: ,