Peace Council, muling dinepensahan ang BBL

by Radyo La Verdad | May 7, 2015 (Thursday) | 1604

hearing-on-bbl-3

Muling dinepensahan ng Peace Council ang draft Bangsamoro Basic Law.

Konklusyon ng Peace Council sa kabubuan, katanggap tangap ang naturang panukalang batas.

Ang Bangsamoro Government na nakasaad sa BBL ay sumusunod sa konstitusyon ng bansa. Lininaw ng Peace Council na hindi nakasaad sa BBL ang paggawa ng isang separate state, bagkus ay sinusunod lang nito ang constitutional mandate sa autonomy.

Muli ring sinabi ng Peace Council na makakapagbigay ng benepisyo ang naturang panukalang batas hindi lang mga Bangsamoro kundi pati rin sa buong Pilipino.

Ayon pa sa Peace Council, dapat daw maipasa ang BBL dahil bukod sa kaunti nalang naman ang mga kailangan baguhin, sa pagpasa nito ay hindi masasayang ang 17-taon na negosasyon bansang Pilipinas sa Bangsamoro people.

Bagamat hindi nito mareresolba ang lahat ng problema ng bansa o ng Autonomous Region sa Mindanao, unang hakbang ito upang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Muli naman sinabi ng isang miyembro nito na si Chief Justice Hilario Davide, na mayroon pang mga dapat baguhin sa BBL at nasa mga mambabatas nalang kung paano ito aayusin. (Darlene Basingan /UNTV News)

Tags: , ,