Itinaas na sa blue alert status ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng ilang probinsya sa Luzon dahil sa paparating na low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo.
Ang mga ito ay ang mga probinsya sa Calabarzon, Mimaropa, Ilocos Region, Bataan at Zambales.
Kaugnay ito ng naging rekomendasyon ng NDRRMC pre-disaster risk assessment core group matapos ang pagpupulong sa Camp Aguinaldo kahapon.
Kabilang sa mga inihahanda ay ang availability ng standby funds at prepositioning ng mga food at non food items sa pangunguna ng DSWD.
Nagpalabas na rin ng advisory ang DILG sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa nasabing probinsya para sa mga dapat ihanda.