Muling nanindigan si Philippine National Police Chief PDG Ronald Dela Rosa na hindi sila titigil sa kanilang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot hanggat hindi ito nawawakasan.
Kaugnay nito, ipinagmalaki ng pambansang pulisya ang kanilang accomplishments sa harap ng isinasagawang pagdinig ng kaso sa mga umano’y extra judicial killings sa gitna ng kanilang mga operasyon.
Aniya, kabilang sa mga na neutralized o napatay nila ang mga high value target at drug lords na sina Mico Tan, Jeffrey aka Jacguar.
32 high value target drug personalities din ang naaresto kung saan siyam ang chinese.
Napasuko rin ng mga ito ang number 2 drug lord ng Central Visayas na si Franz Sabalones at si Mayor Rolando Espinosa Sr. at maging ang tatlumpu’t apat na local chief executive at iba pa.
Umabot na rin sa 943 million pesos ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Mula July 1 hanggang August 22, nasa pitong daan at limampu’t anim na ang napapaslang sa legitimate police operations, 11, 784 ang naarestong user at pusher at nasa 673,978 naman ang boluntaryong sumuko.
Ipinunto naman ni Dela Rosa na maging sila ay namamatayan din ng mga tauhan sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa katunayan, siyam sa kanyang mga tauhan ang napatay at labingwalo ang nasugatan.
Tuloy din ang internal cleansing sa kanilang hanay.
Bukod sa random drug testing kung saan isandaan at talumpu na ang nag positibo sa ilegal na droga na napipintong sampahan ng kasong administratibo ng kanilang mga immediate supervisor.
Nasa dalawan daan at walumpu’t apat na ring mga pulis mula national capital region ang nailipat na sa Mindanao at Cordillera.
Hindi rin tinotolerate ng pnp ang mga lumalabag na pulis.
Sa katunayan agad na inalis sa pwesto ang dalawang pulis Antipolo na inakusahan ng isang witness sa senate inquiry na pumatay sa kanyang mga magulang.
(Lea Ylagan/UNTV Radio)
Tags: PDG Dela Rosa