METRO MANILA – Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa kanilang drug watchlist si Pangulong. Ferdinand Marcos Jr.
Kasunod ito ng talumpati ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nakita nya noon sa listahan drug personalities ng PDEA si PBBM.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derick Carreon, hindi kailanman napasama ang pangulo sa kanilang drug watchlist.
Dagdag pa nito, simula noong i-activate ang kanilang National Drug Information System noong July 30, 2002 ay hindi lumutang ang pangalan ni Pang. Marcos Jr.
Sinabi pa nito na maging noong panahon ng administrasyong Duterte ay wala din umano ito sa tinatawag nilang Inter-Agency Drug Information database.
Tiniyak naman ng PDEA na kahit na nasa ilalim sila ng Office of the President, ipatutupad nila ang rule of law.
Tags: drug watchlist, PBBM, pdea