PDEA, muling hinamon si Col.Ferdinand Marcelino na patunayang inosente siya sa mga alegasyon laban sa kanya

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1595

JOYCE_CACDAC
Nais ng Philippine Drug Enforcement Dir.Gen Arturo Cacdac na ipakita ni Lt. Col.Ferdinand Marcelino ang laman ng nakumpiskang cellphone sa kanya nang naaresto siya noong Jan.21.

Inaresto si Marcelino ng PNP-CIDG at PDEA ksama ang isang Chinese national sa isang Clandestine shabu laboratory sa Maynila noong Enero.

Tumanggi si Marcelino na pumirma ng waiver upang makuha ang Quezon City Regional Trial Court Branch 82 ang cellphone habang isinasagawa ang kanyang bail hearing.

Unang nang sinabi ni Marcelino na na-frame up lang siya at naroon sa lugar bilang isang undercover agent.

Naniniwala naman ang PDEA na maaaring may ebidensya sa cellphone ni Marcelino na magdidiin sa kanya.

Muli namang itinanggi naman ni Cacdac ang pahayag ni Marcelino na pinoprotektahan ng PDEA ang naturang shabu laboratory sa Maynila.

Handa naman aniya ang ahensya na harapin si Marcelino sakaling ituloy nito ang balak ng pagsasampa ng kaso laban sa mga awtodidad na umaresto sa kanya.

Nahaharap si Marcelino sa reklamong manufacturing, possession at conspiracy na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Biyenes ng nakaraang linggo nang magpiyansa si Marcelino sa QC RTC at pansamantalang nakalaya sa pagkakapiit sa PNP Custodial Center matapos sabihin ng korte na walang matibay na ebidensya laban sa kanya.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,