PDEA, may natukoy na mga bagong supplier ng iligal na droga sa New Bilibid Prison

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 4271

Hindi pa rin tuluyang nakokontrol ang kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison, ito ang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pagdinig sa Kamara kahapon nang magbigay ng update sa illegal drug trade sa kulungan.

Ayon sa PDEA, may mga bagong supplier ng droga na lumilitaw sa NBP. Isa sa nakikitang dahilan ng Bureau of Correction at PNP Special Action Force kaya patuloy ang mga iligal na transaksyon sa piitan ay ang hindi pa rin nila tuluyang nakokontrol ang pagpasok ng mga cellphone sa loob ng NBP.

Aminado rin ang BuCor na hindi napapakinabangan ang karamihan sa mga signal jammer na nasa Bilibid.

Kulang din sa tauhan ang BuCor para mabantayan ang lahat ng sulok ng NBP.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,