PDEA at BOC, ‘di na dapat magsisihan sa isyu ng P6.8-B halaga ng shabu na nakapasok sa bansa

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 3737

Hindi na dapat magturuan o magsisihan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa isyu ng pagpasok ng nasa halos pitong bilyong pisong halaga ng shabu.

Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, mahalaga aniya ngayon ay magtulungan ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang mahanap ang umano’y nawawalang isang toneladang iligal na droga.

Ayon pa kay Albayalde, totoo man o hindi ang impormasyon na may nakapasok na droga ay dapat itong hanapin.

Una nang iginiit ng PDEA na may nakatagong shabu sa loob ng magnetic lifters na nakalusot sa Customs ngunit sinabi naman ng BOC na negatibo sa naturang droga ang mga ito nang suriin.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,