METRO MANILA – Naglabas ng P347 million na halaga ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para tulungang makabangon ang mga insured farmers at fishermen na naapektuhan ng pananalasa ng
nagdaang mga bagyo.
Ang nasabing halaga ay paunang ayuda pa lamang ng PCIC sa 121,000 insured na mga magsasaka at mangingisda dahil nasa proseso pa lamang ang karagdagang tulong upang mapunan ang P1.5 billion na pinsala sa sektor ng agrikultura.
Naglabas naman ng mandato si Department of Agriculture Secretary William Dar sa PCIC na pabilisin ang pagpoproseso at pamamahagi sa nasabing indemnity funds.
Samantala, ang PCIC ay ang Agriculutral Insurance ng bansa na pinagtibay matapos isabatas ang Republic Act 8175 noong December 29,1995.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)