PCGG, bukas sa alok ng pamilya Marcos na magsauli ng umano’y nakaw na yaman

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 1847

Binuo ang PCGG matapos ang Edsa Revolution noong 1986 upang maghabol sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos. Ipinauubaya na ng PCGG kay Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggapin ang alok ng pamilya Marcos na magsauli ng bahagi ng sinasabing nakaw na yaman.

Ayon kay PCGG Acting Chair Reynold Munsayac, bukas sila sa anomang hakbang na makakatulong upang mapabilis ang pagbawi sa mga nakaw na yaman.

Depende na rin aniya sa magiging kasunduan kung may magiging epekto ito sa nakabinbin pang mga kaso laban sa mga Marcos. Pero dati na aniya itong ginagawa ng komisyon.

Taong-bayan din aniya ang makikinabang dito dahil nakalaan ang mababawing nakaw na yaman sa repormang agraryo at sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,