PCG vessels, ipinadala sa Mindanao para tumulong sa pagbabantay sa coastal areas vs mga terorista

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 2497


Nagpadala na ang Philippine Coast Guard ng mga K9, sea marshall at special operations group upang magbantay sa coastal areas sa Mindanao laban sa mga terorista.

Sampung barko na ang naipadala ng PCG sa Mindanao.

Partikular na ipinadala sa coastal area ng Iligan ang BRP Tubatahha at Brp Malabrigo.

Tututukandin ng PCG ang mga pantalan dahil posibleng gamitin itong entrance at exit points ng mga terorista.

Nananawagan din ng tulong ang PCG sa publiko.

Samantala, bumiyahe na rin kaninang madaling araw patungong Mindanao ang mga tauhan ng Philippine Coastguard lulan ng patrol vessel na BRP Batangas.

Sakay nitoang mahigit 10,000 relief goods pack mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at inaasahang darating sa Iligan ngayong gabi.

Naglalaman ang bawat box ng bigas, mga de lata ng sardinas,corned beef at kape.

Mayroon din itong kasamang mga kumot, unan at banig.

Ayon sa PCG, may tatlo pang trucks ng relief goods na naglalaman naman ng hygiene kits ang ibabyahe patungong Mindanao na isasakay naman sa BRP Pampanga ngayong gabi.

(Aiko Miguel)

Tags: , ,