PCG personnel, sangkot sa investment scam

by Radyo La Verdad | April 16, 2021 (Friday) | 8318
Photo Courtesy: PCG

METRO MANILA – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) hingil sa pagkakadawit ng isang enlisted personnel na miyembro ng PCG Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos(BROF) sa isang sa investment scam.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral George V Ursabia Jr., kasalukuyan ang imbestigasyon sa nasabing issue at nangakong papanagutin ang kawaning nasa likod ng “easy money machination”.

Kaugnay nito, 6 na complainants ang nagbigay ng testimonya na itinutuing ng ahensiya na source of major evidence upang mas mapadali ang pagreresolba sa nasabing kaso.

Samantalan, pansamantalang na-relieved sa puwesto ang di pa pinapangalanang kawani
habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing pyramiding scheme.

Muli namang pinaalalahan ni PCG Commandant, Admiral George V Ursabia Jr. ang
mga PCG Personnels patungkol sa kahalagahan ng integridad at katapatan sa pagtupad ng tungkulin.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,