PCG, nangangailan pa ng 2,000 recruits ngayong taon para sa pagpapaigting ng boarder security sa bansa

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 2206

Target ng Philippine Coast Guard na mapunan ang mga bakante nilang posisyon ngayong taon.

Ayon kay Coast Guard spokesperson Cmdr. Armand Balilo, kinakailangan nila ang mga dagdag na tauhan upang makatiyak na hindi makapagsasagawa ng pag-atake ang mga terorista.

Kwalipikado ang mga  naka-kumpelto ng 72 units ng kahit na anong kurso sa kolehiyo. Kailangan ding may background sa maritime at technical field gaya ng pagmemekaniko.

Ang mga makakapasa naman ay may starting compensation na P40,000 to P42,000 kada buwan.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: ,