Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang paglalagay ng Passenger Assistance Center sa siyam na pangunahing pantalan sa lalawigan ng Masbate.
Layunin nito na alalayan ang mga pasaherong bibiyahe paalis at papunta sa isla ng Masbate ngayong long holiday.
Ayon sa Coast Guard-Masbate, gagamit sila ng K9 unit sa pag-iinspeksyon sa mga bangka, fast craft at roll on-roll off vessels upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Tatagal ang Passenger Assistance Center ng Coast Guard hanggang sa March 28.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: long holiday, MASBATE, mga pantalan, Passenger Assistance Center, PCG