PCG Masbate, mahigpit na binabantayan ang mga sasakyang pandagat upang matiyak na walang overloading

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 1128

GERRY_PCG-MASBATE
Umabot nasa sa siyam na libo at pitong daan ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa lalawigan ng Masbate nitong weekend ayon sa Philippine Coast Guard.

Ito ay upang makahabol ang mga ito sa pasok sa trabaho at paaralan ngayong araw matapos ang mahabang bakasyon.

Walumput walong motorized banca at labingsiyam na roro vessel naman bumiyahe sa siyam na pangunahing pantalan sa lalawigan.

At dahil kakaunti lamang ang mga sasakyang umaalis kumpara sa dami ng mga pasaheron mahigpit ang pagbabantay na ginagawa ng Philippine Coast Guard upang matiyak na hindi magkakaroon ng overloading na minsan ay nagiging aksidente sa mga sasakyang pandagat.

Dumadaan din sa masusing inspection ng coast guard ang mga cargo at bagahe at ang bawat sasakyang pandagat bago umalis ng mga pantalan upang matiyak na walang sinoman ang nagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa byahe.

Maging ang mga sasakyang isinasakay sa mga barko ay tintiyak na nakatali ng mabuti upang maiwasan ang anumang sakuna sa karagatan.

Sinisigurado din ng coast guard na may sapat na lifejacket ang mga shipping lines para sa mga pasahero.

Samantala, nagdagdag naman ng byahe ng barko ang isang shipping line dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.

Wala namang naitalang anumang untoward incidents nang nakaraang long holiday sa mga pantalan.

Naka-antabay pa rin ang mga tauhan ng coast guard sa kanilang 24-7 help desk upang magbigay ng assistance sa mga pasahero hanggang sa January 7.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,