PBBM, tiniyak na napakalakas ng legal grounds ng PH claims sa WPS

by Radyo La Verdad | June 24, 2024 (Monday) | 325

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior kahapon (June 23) na mayroong matibay na pinanghahawakan o legal grounds ang mga claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ni PBBM sa ginawang pagbisita nito sa mga sundalong hinarass ng China Coast Guard (CCG) kamakailan sa kanilang nagdaang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Iginiit nito ang kaniyang pangako sa bayan mula noong maluklok sya sa posisyon na gagawin nito ang lahat ng paraan para maingatan at ipagtanggol teritoryo ng bansa, lalo nat nakapanig sa Pilipinas ang international law.

Masaya namang ibinalita ni Pangulong Marcos na kinikilala ng international community ang teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ) kung saan magagamit ng mga Pilipino at kanilang karapatan at soberanya.

Tags: ,