METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior, ang tuloy-tuloy na tulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa mindanao.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan, para sa pagbibigay ng mga esensyal na pangangailangan ng mga apektado.
Dagdag pa ng pangulo, masusing sinusuri ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga imprastraktura sa Caraga region, katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Mino-monitor din aniya ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga aftershock.
Kagabi lang December 3, muling niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, isa ito sa mga aftershock ng magnitude 7.4 na lindol.