METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.
Ito ang isa sa mga mahalagang mensahe ng pangulo sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagpahayag rin ng pagkabahala si Pangulong Marcos sa insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa resupply mission sa Ayungin Shoal kung saan nakasama si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Tiniyak ng pangulo na patuloy na susuportahan ang AFP sa mga programa nito at sa modernisasyon.
Binigyang diin din nya ang mahalagang papel ng AFP sa mga hamong kinakaharap ng bansa tulad na lamang ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Inanunsyo naman ng pangulo ang kaniyang pagapruba sa increase para sa tinatanggap na monthly gratuity pay ng medal of valor awardees.