METRO MANILA –Nagpatawag ng isang command conference si Pangulong Ferdinand Marcos Junior nitong August 7 sa panibagong insidente ng pambubully ng China sa West Philippine Sea partikular na ang water cannon incident ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard (PCG) na nasa resupply mission.
Tinalakay sa nasabing pulong ang iniulat ng Philippine Coast Guard na pambobomba ng tubig Ng Chinese Coast Guard at ang umano’y dangerous maneuvers sa Philippine vessels na nagsasagawa ng misyon sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Pangulong Marcos kailangan nang talakayin ang susunod na hakbang dito ng pamahalaan.