PBBM, target paramihin ang outlets ng Kadiwa Store sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | December 2, 2022 (Friday) | 2019

METRO MANILA – Target ng Marcos administration na paramihin pa ang mga outlet ng Kadiwa Stores sa buong bansa.

Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nais niyang gawing national program ito bilang tulong sa mga Pilipino sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kasunod nito, inihayag ng pangulo na magpapatuloy ang mga Kadiwa Stores hanggang sa susunod na taon.

Dagdag pa ni PBBM, hihinto lang ang Kadiwa kapag dumating na sa puntong pareho na ang presyo sa Kadiwa Store at sa mga pamilihan.

Kaya naman, tiniyak ng Punong Ehekutibo, na maayos at sapat ang suplay ng agricultural products sa bansa hanggang sa unang kwarter ng 2023.

Tags: ,