PBBM, sinaksihan ang paglagda ng MOA sa pagbuo ng e-motorcycles sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | May 3, 2023 (Wednesday) | 501

METRO MANILA – Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Ayala Group Integrated Micro-Electronics Inc. at ng California-based Zero Motorcycles para sa pagsisimula ng operasyon ng electric ecosystem vehicle sa Pilipinas.

Sa ilalim ng MOA, pangungunahan ng US-based company ang pagtatayo ng unang e-vehicle motorcycle manufacturing site sa bansa.

Inaasahang makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa 200 na manggagawa para sa assembly line nito mula sa manufacturing, packing at shipping ng 18,000 e-vehicles kada taon.

Mayroong inilaang $65-M na pondo para sa pagsisimula ng e-vehicle ecosystem sa bansa.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)