METRO MANILA – Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Department of Health (DOH), na huwag muna i-redefine o baguhin ang kahulugan ng fully vaccinated.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sinabi ng pangulo na baka magdulot ito ng pagkalito, lalo na ngayon na madaming polisiyang ipinapalabas ang pamahalaan.
Sa kasalukuyan, ang ibig sabihin ng fully vaccinated ay yaong mga nabakunahan ng first at second dose ng COVID-19 vaccine.
Pero panukala ng DOH, baguhin ito at isama ang first booster dose.
Ayon kay Vergeire, sinabi ni PBBM, na imbes na baguhin ang kahulugan ng fully vaccinated, ay paigtingin ang COVID-19 booster vaccination sa bansa, sa pamamagitan incentive at dis-incentive scheme.
Tags: DOH, Vaccinated