METRO MANILA – Patuloy na tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasok sa bansa ng Super Typhoon Mawar.
Ayon sa pangulo, pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.
Nakipagpulong si PBBM kay Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Undersecretary Carlito Galvez at siniguro ng pangulo na naka-preposition ang pondo at foods packs.
Maging ang response team aniya ay naka-antabay na at handa na ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Tags: DND, PBBM, Super Typhoon Mawar
METRO MANILA – Kinumpirma kahapon June 13, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) malapit sa mga itinatalagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Ayon kay PAOCC Spokesperson John Casio, iniimbestigahan na rin nila ang mga ito sa kasalukuyan.
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na nababahala siya sa operasyon ng mga POGO malapit sa EDCA sites kaya’t dapat aniya itong maipatigil.
Umaasa naman ang PAOCC na makikipagtulungan sa Department of National Defense (DND) ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang mga ahensya upang matugunan ang nasabing isyu.
METRO MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang panukala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpapalawak sa saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nakasaad sa panukala, na kasama na sa cash grants ng 4Ps ang mga buntis at nagpapasusuong ina upang matiyak ang kalusugan ng kanilang mga anak sa unang isang lingong araw nito.
Inatasan ng pangulo ang DSWD at NEDA sa pagsasapinal ng numero at kinakailangang adjustment sa pamamahagi ng cash grants.
Ang nasabing adjustment ay magpapataas ng purchasing power ng mga benepisyaryo at makakapagbigay ng insentibo para mapabuti ang kanilang pagsunod sa mga kondisyon ng programa na makakaiwas sa malnutrisyon at stunting.
Tags: Cash Grant, DSWD, PBBM
METRO MANILA – Ganap nang batas ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act”. Ito ay matapos lagdaan kahapon (June 3) ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang naturang batas na layong doblehin ang tinatanggap na techning supplies allowance o chalk allowance ng mga guro.
Mula sa P5,000 ay itataas na ito sa P10,000 kada taon. Sisimulan ang pamamahagi ng dobleng teacher’s allowance sa School Year 2025-2026.
Matagal na ring idinadaing ng mga guro ang kakulangan ng supplies allowance na pambili ng chalk, erasers, forms at iba pang classroom supplies dahilan upang kuhanin na ang pampuno sa gastos sa mismong personal na pera ng mga guro.
Ayon kay Pangulong Marcos responsibilidad ng estado na tulungan ang mga guro na nagsasakripisyo.
Tags: PBBM, Teacher's Allowance