PBBM, isinasaayos ang lahat bago magtalaga ng DOH at DA secretary

by Radyo La Verdad | October 21, 2022 (Friday) | 12542

METRO MANILA – Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag appoint ng permanenteng Deprtment of Health (DOH) Secretary kapag nag-normalize na ang sitwasyon.

Ito ang kanyang ipinahayag kagabi (October 20) sa pagdalo sa isang business event sa Manila hotel.

Ayon sa pangulo,kapag maayos na ang lahat at nailatag na ang mga hakbang upang hindi na maging alalahanin ito ng mamamayan ay saka niya aayuusin naman ang re-organisasyon sa DOH.

Ganito rin ang kanyang plano para sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni PBBM na may mas magagawa siya sa DA na hindi magagawa ng isang kalihim.

“There are things that the president can do that the secretary cannot. Especial precisely because the problems are so difficult that it will take a president to change and turn it around, very deeply embeded ang problema, ang problema natin sa agrikultura ito ay nangyari sa nakaraang napakaraming taon kaya hindi ganun kablis hindi ganun kadali na ibalik sa ating dating systema kaya I think I’m still needed there.” ani Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: , ,