PBBM, inatasan ang lahat ng ahensya na tiyakin ang pagkakaroon ng stable na suplay ng kuryente

by Radyo La Verdad | April 17, 2024 (Wednesday) | 2820

METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyaking magkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente.

Sa X post ni PBBM, inatasan ang Department of Energy (DOE) na bantayang mabuti at makipag-coordinate sa mga stakeholder para matugunan ang sitwasyon.

Kahapon (April 16), sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na naapektuhan ng mataas na temperatura ang operasyon ng nasa 31 power generation facilities na nag-udyok para magdeklara ng red at yellow alert sa luzon at visayas grid.

Tags: ,