PBBM, inatasan ang DSWD na magpadala ng tulong sa mga binahang lugar sa VisMin

by Radyo La Verdad | December 26, 2022 (Monday) | 9302

METRO MANILA – Nagsimula na ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga binahang lugar sa Visayas at Mindanao.

Ito ay bunsod na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na agarang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Base sa ulat ng DSWD-Region 8, aabot sa 32,458 na indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa 6 na lugar sa Eastern Samar.

Ayon sa malakanyang, may nakaantabay na rin ang DSWD-Region 8 na 45,000 food packs at P10-M standby funds.

45,687 na indibidwal mula sa Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon ang nahatiran na rin ng tulong ng DSWD.

Tags: