PBBM, hinimok ang senior citizens na magpabakuna ng Bivalent vax

by Radyo La Verdad | June 23, 2023 (Friday) | 332

METRO MANILA – Inilunsad na ng pamahalaan nitong June 21 ang pagsisimula ng pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 vaccine sa Philippine Heart Center sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Binigyang diin ni PBBM ang kahalagahan ng nasabing bakuna upang tuluyang masugpo ang matinding karamdaman na dulot ng COVID-19.

Hinikayat niya ang publiko partikular sa lahat ng mga unvaccinated na magpabakuna na upang mapigilang ang pagkalat ng sakit.

Unang nabigyan ng COVID-19 Bivalent vaccine sa National Capital Region (NCR) si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.

Makikinabang sa 390,000 doses ng bakuna na idinonate ng Lithuania mga matatanda o senior citizens sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at ang health care workers

Bukod naman sa Metro Manila, nagsimula na rin ang Bivalent vaccination sa ilang lalawigan gaya sa Ilocos province.

Tags: