PBBM, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa at mag-ambag sa pag-unlad ng PH sa taong 2024

by Radyo La Verdad | January 1, 2024 (Monday) | 5921

METRO MANILA – Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na ipamalas ang diwa ng pagkakaisa at mag-ambag sa pag-unlad ng bansa sa pagpasok ng taong 2024.

Sa isang video message, ipinahayag ng pangulo ang kaniyang tiwala na malalampasan ng Pilipinas ang mga pagsubok na kahaharapin nito sa taong ito.

Ibinahagi rin ni PBBM ang iba’t ibang malalaking proyekto na makakatulong sa ekonomiya at ipinangakong magpapatuloy ang pagpapatupad sa mga public project na itinataguyod ng pamahalaan upang mapakinabangan ng nakararami.

Sinabi ni Pangulong Marcos ang pangakong pagbabago ng pamahalaan na puspusang magsusumikap upang magbigay ng tapat at mahusay na serbisyo na susi ng pag-unlad ng isang bansa.

Umaasa si PBBM na makakamit ng bansang Pilipinas ang pangarap nitong pag-unlad sa patuloy na pagsisikap ng mamayan nito at pamahalaan.

Tags: , ,