PBBM, hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang anak vs. Tigdas, Polio, Rubella

by Radyo La Verdad | May 31, 2023 (Wednesday) | 1235

METRO MANILA – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, rubella at polio.

Ayon sa pangulo bago malagay sa panganib, maiging pabakunahan na sa pinakamalapit na health center ang mga bata upang masiguro ang kanilang malakas na pangangatawan.

“Kaya ngayong buwan ng Mayo makiisa po tayo sa kampanya ng kagawaran ng kalusugan laban sa tigdas rubella at polio. Libre ligtas ang mga bakunang ito kaya wala po kayong dapat ikabahala. Magtungo lamang tayo sa pinakamalapit na health center o mga itinalagang vaccination site sa ating mga barangay. Wag po nating hayaan na malagay sa panganib ang ating ma anak dahil sa tigda, rubella o polio” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tags: