PBBM handang makipagusap kay Ex-pres. Duterte ukol sa imbestigasyon sa SMNI

by Radyo La Verdad | January 8, 2024 (Monday) | 619

METRO MANILA – Makikipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand Marcos Junior kay dating pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Pahayag ng malakanyang, bukas ang pangulo sa pakikipag-usap sa former president matapos magpahayag sa isang interview si dating pangulong Duterte na nais niyang kausapin si PBBM “indirectly” ukol sa imbestigasyon sa SMNI.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, laging available si Pangulong Marcos sa dating pangulo. At kokontakin siya ni PBBM kung gusto nitong makipagpulong.

Noong December 21, naglabas ng kautusan ang National Telecommunication Commission (NTC) na nagsususpinde sa broadcast operation ng SMNI sa loob ng 30 araw dahil sa umano’y paglabag sa ilang probisyon ng prangkisa nito.