PBBM, bukas sa pakikipagusap kay Ukrainian Pres. Zelenskyy

by Radyo La Verdad | January 17, 2023 (Tuesday) | 686

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pakikipag-usap kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Ukrainnian envoy sa Malaysia sa mga miyembro ng media na mayroon silang standing invitation para sa isang phone call sa pagitan nina PBBM at President Zelenskyy.

Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos na may inisyal na pakikipagusap na nga ukol dito.

Sa tanong naman kung susuportahan ba ng gobyerno ng Pilipinas ang isinusulong na 10-point peace plan ng Ukraine, ayon sa Pangulo hindi para sa Pilipinas ang magdesisyon sa isyung ito. Nakapaloob sa naturang peace plan ang full withdrawal ng Russian troops mula sa Ukraine at pagkondena sa ginawang pag-atake ng Russia.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. na suportado niya ang anumang hakbang upang magkaroon ng kapayapaan sa Ukraine.

Inaasahan na matatalakay ang russia-ukraine conflict sa world economic forum  sa davos switzerland partikular ang ukol sa i

Nel Maribojoc | UNTV News

Tags: ,