PBBM at Chinese President Xi, nag-usap tungkol sa patuloy na tensyon sa WPS

by Radyo La Verdad | November 20, 2023 (Monday) | 4234

METRO MANILA – Nagkaharap na sina Pangulong Ferdinand Marcos Junior at Chinese President Xi Jingping sa sidelines ng Asia Pacific Economic cooperation (APEC) summit sa San Francisco California.

Sentro ng pag-uusap ng 2 lider ang ukol sa patuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa pangulo, inihayag niya ang kaniyang alalahanin ukol sa panibagong mga insidente sa West Philippine Sea kung saan may naganap na pagbangga ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas habang nasa re-supply mission sa Ayungin Shoal.

Ibinahagi ni PBBM na may kasunduan sila ng Chinese President na ang problemang kinakaharap sa South China Sea ay hindi inilalarawan ang kabuuang relasyon ng 2 bansa.

Ayon sa pangulo, malaking bagay na nagkaharap sila ni PresidentXxi at ang lahat naman ay ‘work in progress.’

Tags: , ,